Mismong si King of Talk Boy Abunda na ang nagbigay-linaw sa isyu ng paglipat niya umano sa GMA Network, na umusbong nitong linggo, kasabay rin ng balitang paglipat ni Kuya Kim Atienza.

Aniya, solid Kapamilya pa rin siya at wala pang planong lumipat sa kahit alinmang TV networks.

Subalit inamin niyang nakatanggap siya ng mga offer na gumawa ng talk show sa GMA-7 at TV5. Independent producers naman daw ang lumapit sa kanya noon para sa posibleng TV project. Nangyari umano ito sa kasagsagan ng bago pa lamang ang pandemya.

Hindi umano malaman ni Tito Boy kung bakit naglalabasan ngayon ang isyu tungkol umano sa kaniyang network transfer. Nahihiya umano siya sa GMA Network dahil wala namang offer sa kaniya ngayon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"But I have been in discussion with various parties, including people who are affiliated with 7. I’ve been offered by other channels. I’ve been asked by people affiliated with TV5. I’ve been negotiating with other independent producers to do talk shows, yes," pahayag ni Boy sa panayam ni ABS-CBN Showbiz News reporter Miguel Dumaual sa isang virtual mediacon noong Lunes ng gabi, Setyembre 27.

Iginiit ni Tito Boy na solid Kapamilya pa rin siya ngayon. Handa umano siyang maghintay para sa muling pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV.

Subalit aniya pa, mahirap din namang magsalita nang tapos.

"Mahirap magsalita nang patapos, pero right now, the answer is no.”

Boy Abunda's 'The Best Talk' to bring more celebrity updates, revelations  in its new season – Manila Bulletin
Boy Abunda (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Napahinga lang umano siya sa telebisyon mula nang ipinatigil ang mga taping dahil sa COVID-19 noong 2020, at sumabay pa ang pagkapaso ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020. Nawala sa ere ang kaniyang late-night talk show na 'Tonight With Boy Abunda' nang hindi makakuha ng bagong prangkisa ang home network.

Umaasa pa rin si Tito Boy na makababalik kaagad sa free TV ang Kapamilya Network dahil nami-miss na niya ang paggawa ng Tv shows.

"But halimbawa free TV ang ABS, we wouldn't even be talking about this. Yun lang naman inaantay ko. I wanna be able to go back to television. I miss television. I miss doing my talk shows on television."

Paano kung hindi pa rin makabalik ang ABS sa free TV?

"Kung walang -na talaga, eh 'di mag-aapply na ako sa iba. Pero sa ngayon, di totoo 'yun. Nahihiya lang ako sa Channel 7. Hindi ko alam bakit lumitaw ngayon 'yan."

Sa ngayon, may sariling YouTube channel si Tito Boy kung saan niya ginagawa ang online talk show na 'The Interviewer.' Isa sa mga kontrobersyal na panayam niya ay kay LJ Reyes, matapos ang hiwalayan nila ni Paolo Contis.