QUEZON - Nahukay ng militar ang mga bomba, baril at bala ng New People's Army (NPA) sa Sitio Madaraki, Barangay Umiray, Gen. Nakar nitong Martes, Setyembre 28.
Ayon kay Lt. Col. Danilo Escandor ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army, kabilang sa mga nasamsam ang 15 na anti-tank mines (ATM), 20 na anti-personnel mines (APM) at 340 na bala ng Cal. 30 at bandila ng teroristang grupo.
Natagpuan aniya ang mga armas batay na rin sa testimonya ng mga dating rebelde na sumuko sa pamahalaan, kamakailan.
Anila, naaawa sila sa mga nabibiktima ng IEDs o improvised explosive device na walang-awang papatay sa mga awtoridad at mga sibilyan, katulad ng sinapit ni Keith Absalon.
Resulta aniya ito ng pinaigting na kampanya ng Municipal Task Force-End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa lugar
Danny Estacio