Habang ninamnam ang huling mga oras ng kanyang reign, nawalan ng balanse si Rabiya Mateo sa kanyang final walk sa coronation night ng Miss Universe Philippines nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 30.
Parte na sa beauty pageants ang minsang tapilok moments ng mga kandidata lalo pa’t nagtataasang heels ang panlaban ng mga ito sa stage presentation.
Sa katunayan, kahit ang outgoing Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo, biktima rin ng ganitong insidente.
Suot ang eleganteng gown, buong kumpiyansang naglalakad ang reigning queen nang ‘di inaasahang mawalan ito ng balanse, ilang segundo lang matapos ang exit nito sa stage.
Agad namang nakatayo si Rabiya.
“I fell,” agad na sabi ni Rabiya sa host ng coronation night na si KC Montero.
“Once you fall, you have to stand up,” segunda ni Rabiya."
Ilang pageant fans naman ang nagpahayag ng reaksyon sa pagkakadapa ni Rabiya.
“You did great our Rabiya,” ani ng isang pageant fan.
“Go Queen Rabiya MateoIka nga, the Show must go on!” sabi ng isa pang supporter ni Rabiya.
“Sige lang day, importante gwapa. Kag reyna sa mga gwapa. God bless day,” pahayag ng isang Ilongga pageant fan.
Hinala ng mga fans, madulas ang naturang stage kaya’t nawalan ng balance si Rabiya.
“Madulas siguro at baka naapakan niya yung gown,” sabi ng isang fan.
“Ano ba yan mukhang madulas sahig. Pati si kisses muntik na!” segunda ng isa pa.
“Mukhang madulas talaga iyong floor. Na-off balance din iyong dalawang candidates during swimsuit,” teorya ng isang fan.
Ilang pageant fans din ang nalungkot sa pangyayaring ito kay Rabiya
“Si Miss rabiya ang isa sa iniyakan kong pambato ng Pilipinas noong lumabas siya international [scene]. [Na]-attached talaga puso ko sa kanya kaya sobrang lungkot ko noon,” komento ng isang pageant fan.
Hindi rin nakaligtas si Rabiya sa kanyang bashers at tinira pa rin ang outgoing queen sa insidenteng ito.
Mensahe ng isang fan: "Many women are promoting or demanding 'Women empowerment,’ pero nakita ko dito na kinawawa nila yung kapwa nila.”
Si Rabiya ay umabot sa Top 21 sa Miss Universe 2020 competition. Napanatili nito ang isang dekadang placement-streak ng Pilipinas sa prestihiyusong pageant.
Samantala, kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 ang pambato ng Cebu City at openly gay na si Beatrice Lugi Gomez.
Naunang nagpahayag ng kanyang mensahe si Rabiya sa kanyang successor ilang oras bago ang coronation night.