CAMP BADO DANGWA, Benguet – Sinunog ng mga awtoridad ang 678 milyong halaga ng marijuana sa limang araw na sunud-sunod na pagsalakay sa 72 plantasyon nito sa tatlong lalawigan ng Cordillera Administrative Region (CAR), kamakailan, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.

Isinagawa ang operasyong tinawag na "Oplan Herodutos" nitong Setyembre 23-27 na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga taniman ng marijuana sa Benguet, Kalinga at Mt. Province, ayon kayPRO-Cordillera Director Brig. Gen. Ronald Oliver Lee.

Sa Benguet, may kabuuang 11,850 fully grown marijuana plants (FGMP) at 24,780 seedlings na nagkakahalaga ng3,361,200.00 ang binunot sa 30 magkakahiwalay na marijuana plantation sites.

Kabuuan namang 2,241,500 FGMP at 1,640 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa645,100,000.00 ang binunotmula sa 39 marijuana plantation sites sa Kalinga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinunog din ang 152,000 FGMP na aabot sa30,400,000.00 mula sa tatlong plantasyon nito sa Mt. Province.

Zaldy Comanda