Pormal nang inihayag ni Manny Pacquiao ang kanyang pagreretiro sa larangan ng boksing.
Ang pamamaalam sa boksing ng itinuturing na pinakadakilang "Filipino sports figure of all time" ay isinapubliko niya noong Martes ng hapon sa kanyang opisyal na social media account.
Nagpost ng isang 14 na minutong video na pinamagatang “Good bye, boxing” ang 42-anyos na senador kung saanniya inihayag ang kanyang pagreretiro gayundin ang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanyang boxing career, partikular ang mga tumulong sa kanyang training.
Nagdesisyong kumandidato sa pagkapangulo sa susunod na taon, si Pacquiao ang natatanging boksingero sa kasaysayan ng sport na naging 8-division world champion na kinabibilangan ng flyweight (112 lbs), super bantamweight (122 lbs), featherweight (126 lbs), super featherweight (130 lbs), lightweight (135 lbs), light welterweight (140 lbs), welterweight (147 lbs) at light middleweight (154 lbs).
Sa kabuuan ng kanyang boxing career, nagtala si Pacquiao ng 62-8-2, win-loss-draw record na kinabibilangan ng 39 na knockout.
Marivic Awitan