Dalawang araw bago ang coronation night ng 70th Miss Universe competition, naglabas na ng final hot picks ang kilalang pageant community group na Missosology Organization nitong Martes ng gabi, Setyembre 29.

Matapos ang matinding deliberasyon ng mga pageant analysts ng organisasyon, lumitaw bilang Miss Universe Philippines 2021 ang beterana sa industriya mula Taguig City na si Katrina Dimaranan.

Kilala na ang pangalan ni Dimaranan matapos unang mapabilang sa batch ng mga aspiring beauty queens 2012 edition ng Binibining Pilipinas.

Sa katunayan, maging ang mga dating kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe kabilang na si Miss Universe 2012 third runner-up Ariella Arida at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, kilala na ang batikang delagada.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Si Dimaranan ay lumaban rin bilang kinatawan ng Amerika sa Miss Supranational 2018 at tinapos ang kompetisyon bilang first runner-up.

“Her previous experiences in Bb Pilipinas 2012 and Miss Supranational 2018 [where she finished first runner-up] surely came in handy as Katrina was every inch a pro since arriving at the bubble. Katrina proved she is quick-witted during the preliminary interview round. She also showcased her veteran smarts during the all-important swimsuit and evening gown preliminaries,” pahayag ng Missosology sa kanilang website.

Nauna nang binanggit ni Arida ang kahandaan ni Dimaranan na nakita rin ng Missosology bilang alas sa nalalapit na Miss Universe kompetisyon sa Israel sa Disyembre.

“With barely three months left before the next edition of Miss Universe, it would be wise for the organization to pick a polished representative and Katrina definitely ticks all the boxes. With that beautiful face, improved public speaking skills, and overflowing charisma, Katrina is all set to finally wear the crown she has long deserved,” dagdag ng Missosology.

Pangalawa sa top picks ng pageant organization si Maureen Christa Wroblewitz na pambato ng Pangasinan.

Ayon sa Missosology, sinanay si Wroblewitz sa kampo ng Aces and Queens na nagsilang sa ilang pageants titleholders kagaya ni Pia Wurtzbach at Miss International 2016 Kylie Versoza kaya’t hindi kataka-takang ibibigay nito ang lahat sa finals.

Dagdag ng pageant critic, ang karanasan ni Wroblewitz sa ikalimang season ng Asia’s Top Model kung saan siya ang itinanghal na grand winner ay dagdag na patunay sa kakayahan ng kandidata.

Ikatlo sa listahan ng Missosology ang pinakapinag-uusapang baguhan sa pageant world na pambato ng Cebu Province na si Steffi Rose Aberasturi. Bagaman kauna-unahang pagsabak ito ni Aberasturi, matagal nang matunog sa pageant community ang kanyang pangalan.

“Steffi is one of the most polished candidates in this edition. Who would have thought this is actually her first foray into a national pageant? She was a one of the standouts during the preliminaries. And with the guidance of Kagandahang Flores, Steffi will surely be a force to reckon with,” sabi ng Missosology.

Pumasok din sa crown contenders ng Missosology Organizaton ang pambato ng Cebu City na si Beatrice Luigi Gomez, kandidata ng Cavite na si Victoria Vincent Velazquez, Laguna’s bet na si Leren Mae Bautista, delagada ng Misamis Oriental na si Chella Grace Falconer at ang dyosa ng Maynila na si Izabella Jasmine Umali.

Narito ang kabuuang listahan ng prediksyon ng organisasyon:

1Taguig| Katrina Dimaranan

2Pangasinan| Maureen Christa Wroblewitz

3Cebu Province| Steffi Rose Aberasturi

4Cebu City| Beatrice Luigi Gomez

5Cavite| Victoria Velasquez Vincent

6Laguna| Leren Mae Bautista

7Misamis Oriental| Chella Grace Falconer

8Manila| Izabella Jasmine Umali

9Aklan| Christelle Abello

10Masbate| Kirsten Danielle Delavin

11San Juan City| Rousanne Marie Bernos

12Albay| Janela Joy Cuaton

13Romblon| Jane Nicole Miñano

14Angeles City| Mirjan Hipolito

15Pasig| Princess Kristha Singh

16Marinduque| Simone Nadine Bornilla

17Mandaluyong| Maria Corazon Abalos

18Iloilo City| Kheshapornam Ramachandran

19Parañaque| Maria Ingrid Teresita Santamaria

20Isabela| Jan Louise Abejero

21Antique| Noelyn Rose Campos

Matapos ang ilang pagbabago sa host province, at schedule sa coronation night, tuloy na tuloy na ito sa Setyembre 30, Huwebes.

Probinsya ng Bohol ang napiling host para sa coronation night ng MUP ngayong taon.