Kinundena ng Commission on Human Rights (CHR) ang naiulat na paghahagis ng granada sa tahanan ni Deputy House Speaker Rufus B. Rodriguez sa Cagayan de Oro nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 29.

Sa ulat, dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa garahe ng ancestral house ni Rodriguez sa Barangay Nazareth. Sa kabutihang palad, hindi ito sumabog matapos manatiling intact ang safety lever.

Nagpahayag ng pagkaalarma si CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia sa insidente at umano'y isang malinaw na pananakot sa isang nailuklok na opisyal ng gobyerno ang insidente.

Tinira ni De Guia ang banta sa buhay kay Rodriguez na kasalukuyang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cagayan de Oro at sa pamilya nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nanawagan na ang CHR sa mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya at mapanagot ang sinumang nasa likod ng insidente.

“Lives were put at risk in the grenade attack…. We condemn in the strongest terms this act of violence perpetrated by unknown men,” pagpupunto ng ahensya.

Jel Santos