Kabilang sa kompetisyon sa prestihiyusong 2021 Tokyo International Film Festival (TIFF) ang dalawang pelikulang Pilipino, ang “Arisaka” at ang “Resbak.”

Sa website ng TIFF, kabilang na ang dalawang pelikula sa competition category na mapapanuod mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 8.

Likha ng award-winning na direktor na si Mikhail Red ang "Arisaka."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Larawan mula TEN17P

“A witness under police escort is attacked. A policewoman, the only one who survives, is sheltered by indigenous people, but assailants hunt her down. An action thriller set in Bataan,” pagpapakilala ng TIFF sa pelikula.

Pinagbibidahan ni Maja Salvador at Mon Confiado ang "Arisaka."

Binuhay naman sa direksyon ng batikang si Brillante Mendoza ang isa pang materyal na kabilang sa kompetisyon mula sa Pilipinas, ang “Resbak.”

Larawan mula Cignal TV

“Chased by police, bike thief Isaac asks his boss for help but gets the cold shoulder. He then plans vengeance against the boss. Payback depicts a man caught in a slum's crime ring,” pagbubuod ng TIFF sa entry.

Sina Vince Rillon, Nash Aguas at Jay Manalo ang nagbigay-buhay sa mga karakter ng pelikula.

Ang TIFF ang pinamalaking film festival sa buong Asya at isa sa pinakaprestihiyuso sa buong mundo.