Karamihan sa mga Pilipino ay kontra sa pagtakbo ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa vice presidency dahil lalabag daw ito sa Constitution. Ito ay kung maniniwala kayo sa mga survey.

May 60 porsyento ng mga Pinoy ang naniniwala na ang paghahangad ni Duterte na kumandidato bilang pangalawang pangulo sa 2022 elections ay paglabag sa intent o layunin ng Constitution.

Sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS), lumitaw sa sagot ng mga tinanong na ang pagtakbo ni PRRD sa vice presidency ay "paglabag sa intensiyon ng Constitution, na kailangan munang amyendahan bago siya kumandidato."

Ang SWS survey ay ginawa noong Hunyo 23-26 bago kinumpirma ni Duterte na kakandidato siya sa pagka-pangalawang pangulo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinakamataas sa mga naniniwala na isang paglabag sa Saligang-Batas ang pagtakbo ni PRRD ay mula sa Balance Luzon na may 65%, sumunod ang Visayas na may 59%, ang Metro Manila ay 56% at Mindanao ay 53%.      

Maging sa antas ng edukasyon o pinag-aralan ng mga respondent, ang karamihan sa kanila ay kontra sa pagtakbo ni PRRD: 67 porsyento ng non-elementary graduates ay salungat, 57% sa hanay ng junior high school graduates at 61% sa hanay ng college graduates ay naniniwala ring paglabag sa Constitution ang gagawin niyang pagtakbo.      

Samantala, ipinakita rin sa naturang survey na 39 porsiyento ng respondents ang pabor sa pagtakbo ni PRRD "dahil gusto nila ang kanyang style of government management."

Ipinamalas sa survey na sa lahat ng kategorya o klase sa tinatawag na self-rated poverty, hindi sila pabor sila sa pagtakbo ni Duterte sa vice presidency. Ang proporsiyon sa ganitong paniniwala ay pinakamataas sa hanay ng hindi naman ganap na mahirap na may 64 porsiyento, sumunod ang nasa borderline poor na may 61% at mahirap o poor na may limang porsiyento.

Sa survey, lumitaw na 75% ng adult Filipinos ay nasisiyahan sa performance ni PRRD bilang presidente samantalang 13% ang dismayado at 12% ang undecided.

Ang survey ng SWS ay ginawa nang harapan o face-to-face sa may 1,200 adults sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao. Kailan naman kaya maglalabas ng survey ang Pulse Asia? Tulad ng dati, ako ay hindi na naman natanong sa survey na ito!