Nabisto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱7.5 milyong shabu na nakatago sa dalawang karton ng damit, tsinelas at pagkain sa bodega ng isang courier service sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nitong Miyerkules, Setyembre 29.

Sa pahayag ng BOC na naka-base sa NAIA, aabot sa 1.1 kilo ang iligalna droga na agad na nai-turn oversaPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Paliwanag ng mga awtoridad, nakatago sa apat na plastic ang iligal na droga.

Natuklasan na ang dalawang box na package ay ipinadala sa Pilipinas mula sa Malaysia.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Iniimbestigahan pa ang insidente upang matukoy ang nasa likod nito.

Ariel Fernandez