Isang mananaya na taga-Cebu ang nanalo ng ₱36 milyong jackpot sa isinagawang Regular Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.
Sa isang paabiso nitong Miyerkules, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 10-06-02-09-18-29 na may katumbas na jackpot na ₱36,829,296.20.
Nabili umano ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Samboan, Cebu.
Pinayuhan naman nito ang naturang mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iharap ang kanyang winning ticket at dalawang valid IDs upang maiuwi ang premyo.
Mary Ann Santiago