Halos 40,000 ang bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Setyembre 28.
Ayon sa ahensya nasa 39,980 ang bagong dagdag sa COVID-19 recovery tally ng bansa kaya’t nasa 2,353,140 o 93.3 percent na ang gumaling sa kabuuang kaso sa Pilipinas.
Gayunpaman, dagdag 13,846 ang bagong bilang ng mga nagpositibo sa virus kaya’t nasa 2,552,965 na ang tinamaan ng sakit simula nakaraang taon.
Sa kabuuang bilang, 5.2 o 132,139 ang aktibo kung saan 76.6 percent dito ay nakararanas ng mild symptoms, 16.4 ang asymptomatic, 0.9 percent ang kritikal, 2.1 pecrent ang severe at 3.99 percent ang nasa moderate condition.
Samantala, 91 naman ang naidagdag sa mga nasawi kaya’t pumalo na sa 37,686 o 1.51 percent sa kabuuang bilang.
Hinikayat ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman ang publiko na makiisa sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa gitna rin ng banta ng mas nakahahawang Delta coronavirus variant.
“Transmission will occur but there are ways to cut that chain of transmission. I think that is what we should focus on,” sabi ni De Guzman.
“We can still slow that transmission down, and that is where our minimum public health standards come in so that we can prevent ourselves either from infecting others or us getting infected, and the second is vaccination,” dagdag niya.
Analou De Vera