Walang nakikitang hadlang ang Palasyo sa panukalang batas na nagpapalawig ng panahon ng voter registration para sa Halalan 2022.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Martes, Setyembre 28, halos isang araw matapos aprubahan ng Kamara ang House Bill (HB) No. 10261. Layon ng panukalang batas na palawigin ng isa pang buwan ang voter registration.
“Wala pa po ang papel sa Malacañang. Pero wala pong nakikitang hadlang, no. Unless sa pag-aaral ng legal department ng Office of the Executive Secretary, no, ay mayroong legal objection,” ani Roque sa mga midya.
“Sa tingin ko naman po, walang objection. But I stress na hindi pa po namin natatanggap yung pirmadong kopya ng panukalang batas na yan,” ani ni Roque.
Orihinal na magtatapos ang registration sa Setyembre 30 na masusundan ng paghahain ng certificate of candidacy (COCs) sa Oktubre 1.
Nagpahayag na ang Comelec sa maaaring pagtanggap nila sa mga rekomendasyong mapalawig ang voter registration.
Ellson Quismorio