Naglunsad na rin ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pagkamatay ni Cadet 3rd Class George Carl Magsayo matapos umanong ilang ulit na suntukin ng isa ring kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA), kamakailan.

Paliwanag ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, ang CHR-Region IV-A ang mangangasiwa sa pagsisiyasat matapos magpahayag ng pagkabahala ang ahensya kaugnay ng insidente.

Si Magsayo ay binawian ng buhay sa ospital dahil sa umano'y matinding pagpapahirap sa kanya niCadet 2nd Class Steven Ceasar Maingat habang sila ay nasa dormitoryo sa PNPA headquarters sa Silang, Cavite, nitong Setyembre 23, ayon sa mga pulis.

Nakakulong na sa Silang Municipal Police si Maingat.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Aalamin din ng imbestigasyon kung gumawa na ng mga hakbang ang PNPA upang matiyak na hindi na mauulit ang insidente sa loob ng akademya.

“CHR Region IV-A is now conducting an independent probe to ensure justice for Magsayo and to ascertain that preventive measures are taken that will protect young cadets from suffering the same fate,” sa pahayag ng CR.

Ipinaliwanag pa nito na kinokondena ng CHR ang kahalintulad na insidentesa loob ng isang public safety school kung saan sana binubuo ang mga pangarap, kasanayan at karakter ng mga kadete.

Jel Santos