Bumalik sa 0.94 ang coronavirus disease (COVID-19) reproduction number sa Metro Manila matapos maoberbahan sa rehiyon ang “artificial spike” ng kaso nitong Linggo, Setyembre 26, ayon sa independent research group na OCTA nitong Martes, Setyembre 28.

Tumutukoy ang reproduction number sa average number ng secondary infections ng bawat nahawaang indibidwal.

Sa update nitong Martes Setyembre 28 ni OCTA Research fellow Dr. Guido sa datos nila noong Setyembre 27, nasa 4,083 ang average daily case ng Metro Manila sa nakalipas na linggo o katumbas ng one-week growth rate na -19 percent.

Base sa datos nitong Linggo, sinabi ni David na nasa 5,653 ang daily average case ng Metro Manila na may one-week growth rate na -15 percent. Nasa 0.98 naman ang reproduction number na naitala.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Habang marahan ang pagbaba ng average COVID-19 cases at reproduction number nitong mga lumipas na linggo, pinunto ni David na nananatiling “high risk’ sa COVID-19 ang Metro Manila.

“The goal is less than 3k [3,000] new cases per day in the NCR (National Capital Region) by the second week of October. However, including antigen tested cases will change this,” sabi ni David sa isang Twitter post.

Ellalyn De Vera-Ruiz