Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad nito ng one-way traffic scheme sa CCP Complex simula 5:00 ng madaling araw sa darating na Biyernes,Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

Ayon sa MMDA, ito ay upang bigyang daan ang paghahain o filing ng certificates of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) na kaugnay sa eleksyon sa Mayo 9, 2022.

Ipatutupad ang one-way traffic sa A. Dela Rama (V. Sotto to Buendia), Buendia (A. Dela Rama hanggang Jalandoni), at Jalandoni (Buendia hanggang V. Sotto) sa kasagsagan ngmahabang linggong paghahain ng COC.

Pibapayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Bella Gamotea