Nagluluksa ngayon ang industriya ng panulat at akademya sa pagpanaw ni Bienvenido Lumbera sa gulang na 89, batay sa Facebook post ng kaniyang anak na si Tala Lumbera nitong Setyembre 28, 2021.

Sumakabilang-buhay si Lumbera sa kaniyang tahanan sa Quezon City dakong 9:14 ng umaga dahil sa mga komplikasyong dulot ng stroke, na nangyari sa kaniya noong Hunyo, ayon pa rin kay Tala.

No description available.
Larawan mula sa FB/Tala Lumbera

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpaabot na ng pakikiramay ang iba't ibang mga prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas gaya ng University of the Philippines, Ateneo De Naga University, Ateneo De Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, at marami pang iba. Maging ang mga premyadong manunulat na sa larang ng panitikang Pilipino ay nagbigay rin ng kanilang tribute gaya nina Lualhati Bautista, Ferdinand Pisigan Jarin, Genaro Gojo Cruz, Patrocinio Villafuerte, Virgilio Almario, at marami pang iba.

Kinikilala ang ambag ni Lumbera sa larang ng panitikang Pilipino kaya naman ginawa siyang Pambansang Alagad sa Sining ng Panitikan noong 2006. Naging recipient siya ng Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communications. Hindi na mabilang sa daliri ang mga parangal na natanggap niya, kabilang ang National Book Awards mula sa National Book Foundation, at ang prestihiyosong Carlos Palanca Memorial Awards.

When the war ended, Lumbera and his grandmother returned to their home in Lipa. Eusebia, however, soon succumbed to old age and he was once again orphaned. For his new guardians, he was asked to choose between his maiden aunts with whom his sister had stayed or Enrique and Amanda Lumbera, his godparents. The latter had no children of their own and Bienvenido, who was barely fourteen at the time, says he chose them mainly because “they could send me to school.”

Nagturo siya ng mga asignaturang Panitikan, (Literature), Araling Pilipino (Philippine Studies) at Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) saa Big Four: Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, at University of the Philippines Diliman. Naging appointed visiting professor siya ng Philippine Studies sa Osaka University of Foreign Studies sa Japan mula 1985 hanggang 1988 at ang kauna-unang Asyanong scholar-in-residence sa University of Hawaii at Manoa.

Itinuturing na si Lumbera bilang isa sa mga haligi ng panitikan, kultura, at pelikulang Pilipino.