May simpleng tugon ang dating vocalist ng bandang Eraserheads na si 'Ely Buendia' sa tanong ng isang netizen, kung kailan nga ba ulit mabubuo ang kanilang banda.

Kaugnay ito ng kaniyang Q&A portion sa Twitter para sa kaniyang mga followers na may hashtag na #SUPERPROXIES. Malayang makapagtatanong sa kaniya ang mga followers gamit ang naturang hashtag, at diretsahan naman niyang sasagutin.

Kaya naman isa sa mga tanong sa kaniya ng isang Twitter user: "Hi sir Ely! May pag-asa pa po kaya magkakaroon ng Eheads reunion?

Tugon ng Ely: "Pag tumakbo si Leni."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

larawan mula sa Twitter /Ely Buendia

Sapantaha ng mga netizens, wala namang ibang Leni na tinutukoy rito kundi si Vice President Leni Robredo. Hindi naman binanggit ni Ely kung anong klaseng takbo ba ang gagawin: literal na pagtakbo o running, o pagkandidato sa eleksyon. At kung pagkandidato naman, hindi rin niya binanggit kung ano ang nais niyang posisyon para sa binanggit na Leni.

Sa isa pang tweet, nilinaw ni Ely na anumang sabihin niya sa mga sagot ay hindi pangkalahatang opinyon ng Eraserheads sa mga bagay-bagay.

"DISCLAIMER: MY POLITICAL OPINIONS ARE MY OWN AND I DO NOT REPRESENT THE VIEWS OF THE ERASERHEADS’ MEMBERS," aniya.

larawan mula sa Twitter /Ely Buendia

Ang Eraserheads ay bandang tinaguriang 'Beatles of the Philippines' dahil sa kanilang kasikatan noong 90s. Ang orihinal na mga miyembro nito ay sina Ely Buendia (lead vocals, rhythm guitar), Buddy Zabala (bass guitar, backing vocals), Marcus Adoro (lead guitar, backing vocal), at Raimund Marasigan (drums, backing vocals).

Ely Buendia (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Noong 2002, nadisband ito dahil si Ely na mismo ang kumalas sa grupo. Ayon sa ulat, ang dahilan nito ay 'creative differences' sa banda at sa iba pa nilang nakatrabaho.