Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 13,846 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang nitong Setyembre 28, 2021, Martes, habang halos 40,000 pasyente naman ang iniulat na gumaling na rin mula sa karamdaman.

Base sa case bulletin #563 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 2,522,965.

Sa naturang bilang, 5.2% o 132,139 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa, kabilang ang 76.6% na mild cases, 16.4% na asymptomatic, 3.99% na moderate, 2.1% na severe at 0.9% na kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 39,980 pasyente na gumaling na dahil sa virus.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sanhi nito, umakyat na sa 2,353,140 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.3% ng total cases.

Samantala, may 91 pasyente pa ang iniulat na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan, 37,686 na ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.51% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon ring 58 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 40 recoveries at isang death.

Mayroon ring 37 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries, ngunit kalaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

Samantala, sinabi ng DOH na pitong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos saCOVID-19 Document Repository System (CDRS).Mas mababa rin umano ang naitalang mga kaso nitong Martes dahil sa mas mababang laboratory output noong Linggo.

“All labs were operational on September 26, 2021 while 7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 7 non-reporting labs contribute, on average, 1.3% of samples tested and 1.7% of positive individuals,” anang DOH.

“The relatively low cases today is due to lower laboratory output last Sunday, September 26,” dagdag pa nito.

Mary Ann Santiago