Habang milyon-milyong Pilipinong mag-aaral ang sumasabak sa ikalawang taon ng distance learning, nanawagan ang isang grupo ng education workers sa gobyerno na maghatid ng sapat na suporta sa mga mag-aaral upang masabayan nila ang demand ng new normal education.

Sa higit 28 milyong enrollees para sa Taong-Panuruan 2021-2022, isinusulong ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang agarang probisyon ng gadget at internet support sa mga nangangailangang estudyante.

“The increase in enrollees this school year despite the continuing health and economic crisis and challenging distance learning set-up only proves our youth’s desire to learn and go back to school,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio.

Base sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 28,219,623 ang naka-enrol ngayong taong-panuruan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa bilang na ito, 21, 603, 004 mag-aaral ang nakarehistro sa mga pampublikong paaralan na nagsimula noong ika-16 ng Agosto. Bago pa pormal n pagbubukas ng klase nitong Setyembre 16, nakapagtala na ang DepEd ng 4, 557,327 na maaagang nagparehistro mula Marso hanggang Mayo ngayong taon.

Panawagan ng ACT, dapat na punan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng sektor sa gitna pa rin ng coronavirus disease (COVID-19).

“The government should fulfill its responsibility to support our learners and ensure that no one gets left behind,” sabi ni Basilio.

“They have already failed to support millions of learners last school year, hindi na dapat maulit ito,” dagdag nito.

Isinusulong ng ACT ang probisyon ng mga kagamitan kagaya ng gadgets na nagkakahalaga ng P6,000 bawat unit at P150 monthly internet allowance sa 20 percent sa pinakamahihirap na mag-aaral. Dagdag ng grupo, hindi rito maituturing na “major cuts” sa pondo ng DepEd para sa taong 2022.

“Despite a promising number of enrollees, however, DepEd only received a meager 5.9 percent or P32.8-billion increase in their budget according to the 2022 National Expenditure Program (NEP) with hardly any provision for the immediate needs of distance learning,” sabi ng ACT.

Binatikos din ng ACT ang mga kaltas sa “vital programs” kagaya ng mga pasilidad, flexible learning options at ang Indigenous People’s Education Program (IPED), habang walang probisyon para sa ayuda sa mga mag-aaral.

“We’ve already witnessed how millions of our learners had to suffer the consequences of the government’s negligence and incompetence,” sabi ni Basilio.

Dagdag ni Basilio, ang “fiscal irresponsibility” ng kagawaran ay umano’y “delayed, if not totally resulted in the denial of, the already paltry P300-million student aid allocation” sa Bayanihan 2.

Wala nang dapat na ibang palusot ang gobyerno habang pinapakita ng datos ang kakayahang matugunan nito ang mga suliranin sa distance learning, sabi ni Basilio.

Merlina Hernando-Malipot