Nagpahayag na ang daan-daang mga abogado ng kanilang suporta sa pagtakbo ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagka-pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022.

Nabatid na ang mga nasabing abogado ay nagboluntaryo ng kanilang serbisyo kay Moreno sa paniniwalang bilang Pangulo ay dadalhin niya ang bansa sa mas maayos na sitwasyon sa gitna ng pandemya ng COVID-19, na inaasahan pang mananatili sa loob ng ilang taon.

Binanggit pa ng mga ito ang lungsod ng Maynila, bilang basehan ng kanilang paniniwala kung saan kitang-kita ang mga ginawang hakbang ni Moreno bilang tugon sa pananalasa ng pandemya at kung paano din pinangunahan ng Maynila ang iba pang mga lungsod at munisipalidad sa pagpapatupad ng mga hakbangin bilang tugon sa pandemya at iba pang problema habang ipinagpapatuloy ang iba pang mga proyektong may kaugnayan sainfrastructure, education at social amelioration.

Ang pinakahuling batch ng mga abogado na nagbigay ng suporta kay Moreno ay ang convenors ng ‘Bedan Lawyers for Isko’ na nagsama-sama upang humanap ng bago at preferential alternative para sa kinabukasan ng nasyon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We have come together to choose the best presidential option for our country – a person whose leadership brand and track record as a local Chief Executive can competently address the nation’s woes and one who our countrymen can look up to as a leader and an inspirer,” pahayag ng grupo sa isang inisyung manifesto.

“Everybody has witnessed your leadership by example that resulted to your being an exemplary leader. Everybody has seen your principled vision which is buoyed by your visionary principle. Everybody is awed at how your leadership changed the face and fate of the City of Manila. Everybody has marveled at the outcome of your fast and resolute decision-making, which is always infused by a compassionate and commonsensical approach,” bahagi pa ng manifesto.

“We are convinced that you can replicate your feat as Manila Mayor and be an effective Chief Executive of our country. We believe that you are the leader who will bring about a responsive and responsible governance, and usher a new hope for our country,” dagdag pa ng mga Bedan lawyers.

Sinabi ng convenor na si Atty. Winston Ginez na sila ay grupo ng mga like-minded Bedan lawyers na magtataguyod, magtatanggol at sisigurado sa tagumpay ni Isko Moreno sa 2022 Philippine Presidential elections.

Sinabi pa ni Ginez na ang kanilang mga miyembro ay kinabibilangan ng ‘best and brightest Bedan lawyers’ na ang kahusayan at karanasan ay sumasaklaw sa lahat ng nasasakupanat lahat ng bahagi ng batas.

"We have membership and representation nationally," sabi pa nito.

Sa kanilang pagsuporta kay Moreno, sinabi ng grupo na ang alkalde ng Maynila ay namumuno sa pamamagitan nang pagiging isang ehemplo, at hindi puro dada lamang, kundi may kasamang aksiyon.

“His principled vision for the country isgoverned by the right principles.He is a fast and resolute decision maker. He is exactly the kind of leader our country needs during these challenging and trying times,” sabi pa ni Ginez.

Tiniyak pa nila na makakakuha ng mahusay, maayos at napapanahong legal advice, advocacy at representation; fair, equal at adequate treatment at exposure sa ilalim ng election campaign laws, rules and regulations.

Gayundin, sisiguraduhin umano nila na ang mga boto ni Moreno ay maayos na napuprotektahan, nabibilang at naita-tabulate.

“We will act as his legal think tank - drafting, formulating, articulating and defending his personal positions on all legal and campaign issues,” anila pa.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Moreno ang suporta ng mga abogado at nangakong hindi niya bibiguin ang mga ito.

Mary Ann Santiago