Inamin ng mahusay na aktor na si Carlo Aquino na kabilang sana siya sa pinag-uusapang hit survival game-themed Korean series na 'Squid Game' na ilang linggo nang #1 sa Netflix.

Ibinahagi ni Carlo sa kaniyang Instagram post ang larawan ng maikling note ng direktor nitong si Hwang Dong Hyuk. Hindi kasi siya nakalipad sa SoKor dahil sa travel restrictions dahil sa pandemya.

“Dear Carlo, Thank you for your efforts. Looking forward to working with you in the near future,” saad ng direktor.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Larawan mula sa IG/Carlo Aquino

Why Carlo Aquino didn't make it to 'Squid Game' – Manila Bulletin
Larawan mula sa IG/Carlo Aquino

Gayunpaman, proud pa rin sa kaniya ang mga malalapit na kaibigan, katrabaho, at kapamilya, lalo na ang partner na si Trina. Sa ngayon, kasama si Carlo sa teleseryeng 'La Vida Lena' na napapanood sa Kapamilya Channel at iba pang mga platforms nito.

Kahit na hindi pinalad si Carlo, kasama naman dito si South Korea-based Filipino actor Christian Lagahit, na maaaring pumalit kay Carlo.