Naging kontrobersyal ang paglalagay ng signage na Manila Baywalk Dolomite Beach sa entrada nito noong Setyembre 26, 2021, dahil inookray ng mga netizens ang mga bakod na inilagay rito, gayundin ang signage nito na magkakadikit o walang espasyo sa bawat salita.

Kaya naman, game na 'nakisakay' at 'naki-angkas' dito ang 'Angkas,' isa sa mga kompanyang nagbibigay ng serbisyo para sa 'motorcycle vehicle for hire' at package delivery na nakabase sa Makati, Metro Manila

Biro nila, kaya raw magkakadikit ang mga signage day dahil nakiki-ride on sa promo nila, na legit naman.

"Walang space kasi promo code talaga 'yan," anila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

image.png
Larawan mula sa FB/Angkas

Narito naman ang komento ng mga netizens:

"Muntik na ako mapa-fliptop at mapamura sa haba ng promo code."

"Last mo na 'yan, Angkas ah. Huwag ka sana mawalan ng prangkisa haha."

"Pakitanong naman sila kung bakit yung arc walang space. Buti sana kung promo code din 'yun eh hahaha."

Sa promo code kasi ng Angkas, pinagdidikit-dikit nila ang mga salita, kagaya ng ginagawa sa hashtags.