Umabot sa kabuuang 4,586 na Pilipino mula sa Macau ang natulungan ng Konsulado ng Pilipinas sa Macau SAR, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes.
Ito ay matapos ang matagumpay na ika-23repatriation flight buhat sa Macau noong Setyembre 22.
Nakauwi sa bansa sakay ng Philippine Airlines flight PR8353 ang 189 overseas Filipinos mula sa Macau at naiuwi din ang labi ng isang Pinoy namatay doon na walang kinalaman sa kaso ng COVID-19.
Simula pa noong Marso 2020, nag-organisa ang Konsulado ng 23 repatriation flights upang maiuwi ang mga kababayang naapektuhan ng pandemya.
Sa ilalim ng inumpisahang repatriation program ng Konsulado ay naayudahang makauwi sa bansa ang 4,586 na Pinoy mula sa Macau.
Pinangunahan ni Philippine Consul General to Macau SAR Porfirio M. Mayo, Jr. ang Consulate Team sa naturang repatriation ng overseas Filipinos.
Pinagkalooban ang mga Pinoy ng ayuda sa quarantine, swab testing at maging ng transportasyon ng mga ito sa tulong naman ng Overseas Workers Welfare Administration Region III (OWWA Region III) sa koordinasyon ng POLO-OWWA Macau.
Hinihikayat ng Konsulado ang mga Pinoy sa Macau na nagnanais nang umuwi sa Pilipinas na magparehistro ng kanilang detalye sa Consulate’s online registry sahttps://tinyurl.com/repatMacau.
Bella Gamotea