Nasa 250 indibidwal na umano’y sangkot sa illegal na sabong sa San Leonardo Nueva Ecija ang naaresto ng ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Setyembre 27.

Sa bisa ng search warrant mula sa korte, naaresto ang mga suspek sa pangunguna ng NBI project team leader Emetero Dongallo sa Marvin’s Event Center mataspos ikasa ang isang operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o batas na nagpapataw ng mabigat na parusa sa ilegal na pagsusugal at Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, ani Dongallo.

“Meron silang pasabong, tapos nila-live stream nila then bettors will bet online,” pagbubunyag ng opisyal.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Inaalam na ng NBI kung sino ang may-ari ng gusali.

Kasama rin sa iimbestigahan ang mga lokal na opisyal ng bayan at opisyal ng pulisya matapos bigong nasugpo ang operasyon ng ilegal na sugal.

Isinagawa ang raid kasunog ng reklamong natanggap ng NBI mula sa isang lehitimong operator ng pagsasabong sa probinsya.

Matapos makumpirma ang impormasyong walang awtoridad ang lugar para sa naturang sugal, agad na naglunsad ng operasyon ang NBI bitbit ang search warrant.

Jeffrey Damicog