Hindi bababa sa 19 na pari at seminarista ang nagpositibo sa COVID-19 sa Ateneo Jesuit Residences sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng DZMM, apat sa Jesuit residence ang isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19 outbreak.

14 na dayuhang seminarista naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa Arrupe International Residence habang dalawang pari at dalawang Pilipinong seminarista ang nagpositibo rin na nakatira sa Loyola House at isang seminarista naman sa Jose Seminary ang nagpositibo rin sa COVID-19.

Isinailalim din sa lockdown, simula noong nakaraang taon, ang Infirmary na kung saan nakatira ang mga retired na pari.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ang iba pang mga pari at seminarista ay hiniwalay mula sa mga retired na pari upang maiwasan na mahawaan ang komunidad.

Ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay asymptomatic at kinukonsiderang mild cases. Mga bakunado na rin ang mga ito laban sa COVID-19.

Tatlong pari na ang namatay dahil sa COVID-19 simula noong nagsimula ang pandemya.

Allysa Nievera