BENGUET - Patay ang dalawang sakay ng isang van at driver nito habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos bumulusok sa bangin ang kanilang sinasakyan sa Sitio Timbac, Barangay Pacso sa Kabayan, nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa ospital sina Andrew Tambuling Dulagan, 51 at Charlie Bagsawan Dulagan, 22. 

Kinagabihan, binawian naman ng buhay ang driver na si Gerald Tauli Dulagan, 23, habang ginagamot sa ospital, ayon sa kaanak na si Joey Tambuling.

Kinilala ng pulisya ang tatlong sugatan na sina Honor Tauli Dulagan, 41; Jerry Tauli Dulagan at Amos BagsawanDulagan, 25. Nakaligtas sa insidente ang kasamahan nilang si Jeffrey Bagsawan Dulagan, 20.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa ulat ng Kabayan Municipal Police Station, ang mga biktima ay lulan ng Delica van galing sa Atok at pauwi na sa Kabayan nang maganap ang insidente, dakong 5:45 ng madaling araw.

Habang tinatahak ang zigzag na daan ng bundok, nawalan umano preno ang driver at nagtuloy-tuloy ang sasakyan sa 100 metrong lalim ng bangin.

Zaldy Comanda