Sinibak ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang hepe ng Philippine National Police Academy (PNPA) kaugnay ng pagkamatay ng isang kadete matapos pagsusuntukin ng upperclassman nito sa Silang, Cavite, kamakailan.
Si Police Maj. Gen. Alex Sampaga ang ipinalit ni Eleazar sa puwesto ni PoliceMaj. Gen. Rhoderick Armamento.
Simula Setyembre 29, si Sampaga na ang bagong hepe ng PNPA.
Si Armamento ay nagtapos sa PNPA at kaanib ito ng Class 1990 habang si Sampaga ay kaanib naman ng Class 1989 sa nasabing public safety school.
Nag-ugat ang hakbang ni Eleazar matapos masawi siCadet 3rd Class George Carl Magsayo nang pagsusuntukin ni Cadet2nd Class Steven Ceasar Maingat.
Nasa kustodiya pa rin ng Silang Municipal Police sa Cavite si Maingat habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law.
Aaron Recuenco