Sa pamamagitan ng kanilang vaccination sites at mobile clinics, umabot na sa higit 250,000 indibidwal ang nababakunahan ng Philippine Red Cross (PRC) laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Let us continue to keep the world safe and serve the vulnerable,” ani Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon sa isang pahayag nitong Lunes, Setyembre 28.

Mula Setyembre 23, nabakunahan na ng PRC ang kabuuang 253,026 indibidwal laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng 21 “Bakuna Centers” at 16 “Bakuna Buses” sa buong bansa.

Ayon kay PRC Health Service Manager Mark Abrigo, 191,689 indibidwal ang nababakunahan ng 21 PRC “Bakuna Buses” habang 61,337 indibidwal naman ang naturukan ng 16 “Bakuna Buses.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang pormal na nilunsad ng PRC ang vaccination drive nitong Marso 2021 sa PRC PLMC Bakuna Center sa Mandaluyong kasunod ng pagdating ng Aztrazeneca vaccines, unang nakatanggap ng kanilang first doses ang mga empleyado ng PRC at ang mga frotnliners.

Kasunod na nilunsad ng PRC ang “Bakuna Buses” na inisyatibang katuwang ang UBE Express sa unang mobile vaccination clinic sa Brgy. Tanong, Marikina

Mula Setyembre 16, ilang “Bakuna Buses” na ang nakapuwesto sa National Capital Region (NCR), North at South Luzon, Visayas at Mindanao.

Matatagpuan naman ang vaccination centers ng PRC sa PRC PLMC Mandaluyong, PRC EDSA Boni, PRC Pasay Chapter, PRC Port Area, PRC Manila – KABAKA, PRC Manila -Letran, PRC QC – Ever Commonwealth, PRC Rizal – Arcovia Mall Pasig, PRC Rizal – SanLo Mall Makati; PRC Tarlac City Walk Mall, PRC Bulacan -BSU, PRC Olongapo – Harbor Point, PRC Bataan – Penelco, PRC Ilocos Norte – Robinsons; PRC Batangas Xentro Mall, PRC Cavite – SM Bacoor, at PRC Cavite – VistaMall GenTri.

May vaccination centers rin sa iba pang bahagi ng bansa kabilang sa PRC NegrosOcc Gaisan, PRC Zamboanga City Chapter, PRC Iligan – Chung Hua, at PRC Davao City – Archdiocese Compound.

Maaaring tumawag sa 1158 o mag-email via[email protected]para sa vaccination registration sa PRC.

Merlina Hernando-Malipot