Kasunod ng anunsyo ng tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Doc Willie Ong sa pinakamataas na kandidatura sa darating na Halalan 2022, agad na kinompronta sa Twitter ng kapwa doktor at content creator na si Doc Adam si Ong kaugnay ng opinyon nito ukol sa mga political health issues sa Pilipinas.
Ani Doc Adam, madalang lang umanong gamitin ni Ong ang kanyang malawak n social media platform para talakayin ang mga isyu sa sektor ng kalusugan sa bansa, kabilang ang mga “siginificant health problems.”
“Doc Willie Ong has millions of followers on social media, however, disappointingly I have rarely seen him use his platform to discuss any political health issues or give his opinion on significant health problems in the Philippines,” sabi ni Doc Adam sa isang Twitter post.
“Some of his top viewed videos are about ‘smelly vagina’ and ‘whitening your arm pits.’ Syempre, maraming tao ay gusto maiwasan ang baho sa pwerta nila,” dagdag ni Adam.
Paliwanag ng doktor, marami pang mas mahahalagang paksa sa kalusugan ang maaaring talakayin sa malawak na impluwensya ni Ong.
“I want to know Ong’s opinion about President Duterte’s management of the [COVID-19] pandemic. Did President Duterte do a bad or good job?” sabi ni Adam.
Kabilang pa sa mga nais na talakayin ni Adam sa social media ni Ong ang isyu sa teenage pregnancy, mga kilalang personalidad na nagsusulong sa paggamit ng ivermectin at ang opinyon nito sa paggamit ng face shields.
Nais din ng doktor na malaman ang reaksyon ng kapwa doktor sa mga multilevel-marketing (MLM) na patuloy na nagkakalat ng mga pekeng paniniwala sa mga produktong gamot. Gusto rin ni Adam na talakayin ang ‘pagpatay’ sa mga drug users na sa halip ay dapat binibigyan ng therapy at iba pang suporta.
“And can we discuss the disappearance/misuse of DOH funds? There are so many problems when it comes to health care in the Philippines,” tila bigong pahayag ni Adam sa vice-presidential hopeful.
Samantala, naniniwala si Adam na tamang impormasyon at mga payo ang ibinibigay ni Ong, liban pa sa nais nitong mabawasan ang halaga ng mahal na access sa healthcare sa bansa.
“Let’s leave the smelly vaginas and brown armpits for someone else to fix,” ani Doc Adam.
Nilinaw ng content creator na hindi nito hangaring atakehin si Ong at walang politikal na interes sa kanyang opinyon. Nais lang daw ng doktor na mailuklok ng mga taong tunay na gagawa ng pagbabago sa sistemang pang-kalusugan sa bansa.
“I just hope that the people who get elected actually try some changes to a health system that’s really f***** up which is allowing poor to be exploited and manipulated by rich unscrupulous business men running amuck in the Philippines,” sabi ni Adam.
Sa pag-uulat, wala pang tugon si Doc Willie Ong ukol dito.