Inaprubahan ng Senado nitong Lunes, Setyembre 27 sa ikatlo at huling pagbasa ang limang local bills na layong ideklara ang limang “ecologically vital areas” bilang protektadong lugar sa ilalim ng  National Integrated Protected Areas Systems (NIPAS).
Kabilang sa mga aprubadong panukalang batas ang House Bill No. (HBN) 9329 o ang Banao Protected Landscape Act sa Balbalan, Kalinga; HBN 9327 o ang Tirad Pass Protected Landscape Act sa Gregorio del Pilar, Quirino, Sigay, Cervantes at Suyo sa Ilocos Sur at ang HBN 9326 o ang Naga-Kabasalan Protected Act sa Naga at Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Naipasa rin ang HBN 9325 o ang Mt. Pulag Protected Landscape Act sa Kabayan, Boko at Buguias sa Benguet; Tinoc, Ifugao at Kayapa sa Nueva Vizcaya at HBN 9206 o ang Mt. Arayat Protected Landscape Act sa Pampanga.
Sa mga naipasang batas, mapapalawak pa ang pagpapanatili at proteksyon sa mayamang biodiversity ng bansa.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, head ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change naprotektahan ng Kamara ang 23 ecologically important areas sa ilalim ng NIPAS Act kabilang ang Batanes Group of Islands and Islets sa Batanes; ang Northern Sierra Madre Natural Park sa probinsya of Isabela; Bangan Hills National Park sa Nueva Vizcaya; at Banahaw and San Cristobal Protected Landscape sa Laguna at Quezon.
Dagdag ni Villar, dahil sa 2018 E-NIPAS law, natukoy ang 94 protected areas sa bansa na sa kabuuan ay nakapagrehistro ng nasa 107 protected areas
“The need to secure for the present and future Filipinos the perpetual existence of all native plants and animals has become more urgent and necessary given the profound impact of human activities on all components of the natural environment, particularly the effect of, increasing population, resource exploitation and industrial advancement, and in recognizing the critical importance of protecting and maintaining the natural, biological and physical diversities of the environment,” ani Sen. Villar.
Ang Pilipinas ay isa sa 17 bansa na may pinakamayamang biodiversity sa mundo o two thirds sa kabuuang biodiversity sa buong planeta, pagpupunto ni Villar.
Sa kabila nito, patuloy ding nakararanas sa pagkasira sa mga pemanenteng tahanan at ng mismong biodiversity ang bansa kung saan nasa 86 pecent sa orihinal na habitat ng mga species ay nanganganib nang malipol kasunod ng mga nakakasirang aktibidad ng tao at ng climate change.
“We need to declare more protected areas through legislation if we are to fulfill the State guarantee under our Constitution of protecting and advancing the right of the people to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature,” sabi ng senadora.
Hannah Torregoza