Isa umanong "fake news" ang unang naiulat na magiging running mate ni Manny Pacquiao ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa nalalapit na 2022 National elections. 

Matatandaang naunang nagdeklara ng kandidatura sa pagka-pangulo si Pacquiao sa Halalan 2022, sa ginanap na National Assembly ng PDP-Laban ng pinangungunahan ni Pimentel noong nakaraang linggo.  

Kasunod naman nito ang pinalutang na balitang si Raffy ang kanyang magiging vice-president. Subalit ayon sa isang source ng TV5, hindi raw totoong magiging running mate ni Pacquiao si Raffy dahil ang pagiging senador raw umano ang pinupuntirya ng matapang na broadcaster na may tatlong programa sa TV5.

Nakipag-usap na raw umano si Raffy sa Kapatid network hinggil sa maiiwang trabaho sa TV5 sakaling ituloy nito ang planong pagtakbo sa darating na May 9, 2022 national elections. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa sa source, magiging independent candidate si Raffy sa kanyang kandidatura  at suportado siya ng kanyang home network sa panibagong landas na kanyang tatahakin.

Ador V. Saluta