Nagbabalak na ring kumandidato sa pagka-pangulo si dating Senator Antonio Trillanes IV.

Nanindigan si Trillanes na itutuloy nito ang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa kung mabibigo si Vice President Leni Robredo na maghain ng certificate of candidacy sa Oktubre 8.

“Tuloy ang pagtulak natin kay VP Leni to run for President. Kung tumuloy siya, ipanalo natin siya," ang bahagi ng Facebook post ni Triallanes.

“Pero kung ‘di pa rin siya makapagdesisyon by 12nn of October 8, tuloy na po ako ng pagka-presidente. ‘Di po natin hahayaang matalo ang TUNAY na OPOSISYON nang ‘di man lang lumaban," dugtong pa ng dating senador.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Raymund Antonio