Sa press conference ng isang pelikulang pinagbibidahan ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, binulgar ng beauty queen-turned-actress ang kanyang final 3 sa pinakabagong batch ng candidates sa Miss Universe Philippines (MUP) ngayong taon.
Nang hingan ng reaksyon si Arida kaugnay ng ilang insidente ng panlalait umano sa ilang kandidata ng MUP ngayong taon, umapela ang former crown holder sa pageant community.
“It’s part of being in the pageant especially that we have a very active and big support group. Parang everyone now is entitled to their own opinions or mga comments nila,” panimula ni Arida.
“Kung ako ang nasa batch ngayon, sobrang ang hirap, ‘di ko kakayanin with the pressure of social media tapos pandemic pa. They have to do all these photoshoots so what if wala akong budget. Ang hirap for [the] girls,” panawagan ni Arida sa pageant fans.
Sa karanasan ng kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2013, nakiusap na si Arida sa mga avid pageant fans na maging sensitibo sa mga kandidata.
“Sana yong mga supporters will also be kind to these girls, our aspiring queens kasi hindi ganon kadali ang pinagdadaanan nila physically, mentally and emotionally,” pagpupunto ni Arida.
Kasunod namang tinanong sa beauty queen ang kanyang Top 3 sa hanay ng mga kandidata ngayon.
“I love this girl from Mandaluyong. Sobrang Filipina-looking,” tinutukoy ni Arida si Maria Corazon Abalos.
“I love Katrina Dimaranan. My take lang, if tuloy ang Miss Universe this December, hopefully they would send someone na ready na lumaban. It’s gonna be like two months or three months preparations,” pagpapaliwanag niya kung bakit sa tingin sa pagpili sa kandidata ng Taguig.
Kasama rin sa final 3 pick ni Arida ang isa sa mga online favorites na si Steffi Rose Aberasturi ng Cebu Province.
“Si Miss Cebu, nag-go-grow siya sa akin. I love the way…’yong charisma. She’s always smiling. You can feel the confidence,” ani Arida.
Sumabak sa kanyang debut bilang lead sa pelikulang “Sarap Mong Patayin” si Arida kasama sina Kit Thompson at Lassy Marquez.