Naging guest sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) ang “Las Hermanas” star na si Faith Da Silva na kung tititigan malaki ang pagkakahawig kay 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Speaking of Pia, mukhang susundan ni Faith ang path ng beauty queen dahil may balak din siyang jumoin sa beauty pageant sa tamang panahon.

Kung dati napapanood si Faith sa mga teleserye ng GMA-7 na puro support lang this time isa siya sa mga bida. Mukhang pinaghandaan ng aktres ang teleserye dahil nagpaslim talaga ito. Ibang iba ang awra niya kesa sa mga nilabasan niyang mga teleserye noon.

          

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Sinalang si Faith sa segment ng TBATS na “May Pa-presscon.” Dahil nga sa issue na lumabas about her at sa nagbalik Kapuso ang mahusay na director-actor na si Albert Martinez, natanong kung ano ang reaksyon ni Faith tungkol sa kumakalat na chismis sa kanilang dalawa. 

Sey niya, “Siyempre nagulat ako because nung nakita ko yung news na iyon on going pa ang lock-in taping namin. So nagulat ako but it’s not that I didn't expected kasi with our role kasi magiging partner ko siya dito sa “Las Hermanas.” Siguro nakikita ng mga tao na you know we are comfortable with each other so yah.”

            

Ayon pa kay Faith napag-usapan daw nila ni Albert ang chismis about them pero in passing lang daw at walang seryosohang usapan. Biru-biruan lang daw at tuksu-tuksuhan lang. Para raw sa kanila ni Albert professional lang daw ang lahat at walang ilangan. Kita naman daw ng mga tao na may chemistry silang dalawa ni Albert at yun daw ang importante. Pinuri ni Faith si Albert dahil napaka professional daw nito. Kapag off cam naman maalaga at napakasweet daw nito at ginaguide siya bilang aktres.

            

May posibilidad kaya na mainlove ang isang Faith sa isang may edad? Ang sagot ni Faith, “For me walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao regardless of the age of kahit anong bagay yan basta mahal ninyo ang isat isa, wala kayong tinatapakan na tao eh go lang yan.”

          

Giit pa ni Faith close raw sila ni Albert at may mga bagay na may alam daw siya sa buhay ng aktor. Halos nagkakapareho raw sila ng mga hilig gaya ng pagwoworkout at pagkain ng health food. Bagamat napressure si Faith nang matanggap niya ang project ng “Las Hermanas” nandiyan naman daw si Albert para gabayan at tulungan siya upang maging matagumpay sa role na kanyang ginagampanan. Thankful naman si Faith sa ipinakitang kabaitan ni Albert sa kanya. Umamin din siyang crush niya si Albert Martinez. Yun na! 

Dante A. Lagana