Kasabay ng pagsasagawa ng second autopsy at isang parallel investigation sa pagkamatay ng visual artist si Breana"Bree" Jonson, nag-alok ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya nito.
Una nang nagsagawa ng awtopsiya ang National Bureau of Investigation (NBI) sa labi ni Jonson matapos na matagpuan sa isang rerotsa San Juan, La Union noong Setyembre 18.
“The President, he definitely expressed help. In fact, siya nga ang nag-forward nitong issue na’to dun sa NBI [National Bureau of Investigation] to aid us in investigating kung ano ‘yung nangyari dito sa pagkamatay ni Bree,” ayon kay Atty. Ma. Moreni Salandanan sa isang panayam.
National
PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan
Nauna rito, sinabi ng kapulisan na ang 30-year old artist ay namatay dahil sa asphyxia at nag-positibo sa paggamit ng cocaine.
Ang huling nakasama ni Jonson ay si Julian Ongpin, anak ng bilyonaryo at dating trade minister Bobby Ongpin, ay nagpahayag na nag- commit ng suicide si Jonson na hindi naman matanggap ng pamilya ng huli.
Ang labi ni Jonson ay dinala na sa Davao City.
Sa naging panayam pa rin kay Salandanan, binanggit nito na mayroong “double standard” sa imbestigasyon laban kay Ongpin.
Kinuwestiyon nito ang naging desisyon ng La Union Prosecutor's Office sa pagpapalaya kay Ongpin dahil sa rekomendasyon niyang “for further investigation” sa kabila ng presensiya o nakuhaan ng 12 gramo ng cocaine sa hostel room.
“In a sense, medyo merong double standards dito kasi what happened to my other clients before [is] very different dito sa nangyayari sa kaso ni Julian at Bree,” dagdag pa ng abogado.