Kung naki-'Bakit Nga Ba Mahal Kita' challenge ka kamakailan lamang na unang pinasikat ng singer-actress na si Roselle Nava noong 90s, malamang ay kilala mo na ang tinaguriang 'The Cover Queen' ngayon na si Gigi De Lana.

Itinampok ang social media superstar na ito sa vlog ni Karen Davila na umere nitong Setyembre 26, 2021. Personal na dinalaw ni Karen si Gigi sa inuupahan nitong bahay kung saan, doon din pala natutulog ang kaniyang bandmates. Sa sala rin ng apartment na iyon ginagawa ang kanilang sessions, na ina-upload naman sa kanilang YouTube channel.

Gigi De Lana at Karen Davila (Screenshot mula sa YT/Karen Davila)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Para kay Gigi, pamilya na ang turing niya sa kaniyang mga kabanda kaya komportable siyang natutulog ang mga ito sa kanilang tinutuluyan, kasama ang kaniyang ina, na may stage 2 breast cancer.

Hindi umano madali ang buhay na pinagdaanan ni Gigi kasama ang kaniyang ina. Mahirap umano ang naging buhay nila, kaya nasanay siyang sumali sa iba't ibang mga singing contest sa telebisyon upang kumita. Hindi siya pinalad na manalo sa mga ito.

Aminado rin si Gigi na may mga bagay silang hindi napagkakasunduan ng kaniyang ina, subalit mahal na mahal niya ito, dahil ito na lamang daw ang 'meron siya.'

Ang pagkakasali ni Gigi sa 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime ang nagbigay-daan umano sa kaniya upang unti-unting mabago ang kaniyang buhay. Naging regular ang guesting niya rito simula nang sumisikat na siya sa YouTube. Hindi man pinalad na manalo bilang contender, higit pang mga oportunidad ang natamo niya.

Sa ngayon ay regular na siyang mapapanood sa musical variety show na 'ASAP Natin 'To' tuwing Linggo ng tanghali sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z Channel 11, at mga social media platforms ng Kapamilya Network. Mismong si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid umano ang humiling sa management ng show na sana ay gawing regular si Gigi.

May mensahe naman siya sa mga kagaya niyang aspiring singers na patuloy na nangangarap.

"Wag kayong mag-give up sa pangarap ninyo. Ang kung ano ang vision mo, na sa tingin mo mangyayari, gawin mo, push mo 'yan. Wag kang titigil hanggang 'di mo siya nakukuha."