Tinapos ng Kamara ang deliberasyon sa pagdinig ng P73.64 milyong budget ng Commission on the Filipino Language o Komisyon ng Wikang Filipino.      

Ang talakayan ay nakasentro sa pagkakabalam ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng tatlong taong batas na Republic Act 11106 o ng “The Filipino Sign Language Act.”

Sa batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Oktubre 30, 2018, idinideklara na ang Filipino Sign Language bilang pambansang sign language ng mga binging Pilipino at bilang official sign language ng gobyerno sa lahat ng transaksyon sa mga deaf o bingi.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Rep. France Castro (Party-list, ACT TEACHERS), ang tanging nagtanong sa panukalang budget ng Commission on the Filipino Language (FSL) o Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), na tatlong taon matapos maisabatas ang FSL Act, hanggang ngayon ay wala pa itong IRR.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon kay Castro, sa nakaraang dalawang taon ay sinubaybayan niya ang IRR . “Ang kinatawang ito parang nababagalan or mukhang hindi yata prayoridad ng Komisyon ng Wikang Filipino itong batas na ito. Bakit po ba, dahil ito po ba ay para lang sa ating mga deaf? para lang ito sa ating mga kapatid na hindi makarinig?,” tanong ni Castro. 

Bert de Guzman