Halos 62 milyon ang rehistradong botante para sa Halalan 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes.

“As early as June we have already reached our initial target of registering 4 million new and reactivated voters,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez.

“We now stand at almost 62 million registered voters for 2022,”idinagdag niya.

Nagbigay-pugay naman si Jimenez sa mga patuloy na nagpaparehistro huling ilang araw ng registration.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“A salute to every Filipino citizen…every citizen braving the long lines in order to beat the deadline,” sabi ni Jimenez.

Nitong nakaraang linggo, nagpaalala ang Comelec na asahan ng mga hahabol sa registration ang mahabang pila ngayong ilang araw na lang bago ang pagtatapos ng itinakdang panahon ng registration.

“The lines will really be long…Those queuing should expect that already,”sabi nito.

Hinikayat niya ang mga aplikante na pumili nang maaga.

“Let us line up early and hope that they will make the cut off of the Comelec office,”ani Jimenez.

Samantala, patuloy pa rin ang deliberasyon ukol sa pagpapalawig ng panahon ng registration.

Leslie Ann Aquino