Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang isang bagyo na namataan sa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mabagal ang paggalaw ng bagyong may international name na "Mindulle" at maaaring pumasok ng bansa sa Martes.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,590 kilometro Silangan ng dulong northern Luzon.

Dala nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso na aabot sa 215 kph habang kumikilos pa-hilaga.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Papangalanan "Lannie" kapag nakapasok na ito sa Pilipinas sa loob ng susunod na 24 oras.

“Typhoon Mindulle is forecast to move slowly northeastward today (Sept. 27) through tomorrow morning (Sept. 28). A turn to the north-northwest is expected tomorrow evening through Wednesday (Sept. 29) morning, gradually accelerating in the process,” ayon sa PAGASA.

Idinagdag pa ng PAGASA na makararanas ng manaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras.

Ellalyn De Vera-Ruiz