Epektibo pa rin ang 'never say die' spirit ng defending champion na Barangay Ginebra San Miguel nang pataubin nila ang Phoenix Super LPG, 95-85 at tuluyang makopo ang huling puwesto sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga, nitong Sabado ng gabi.

Naging malaking sandata ng Gin Kings sa kanilang pagkapanalo si Prince Caperal na madalas nang gamitin ng koponan mula nang mahablot ang Most Improved Player award sa nakaraang season, matapos makubra ang 19 puntos.

Tumulong din sa kanya sa pagkapanalo ng kanyang koponan sinaStanley Pringle at Christian Standhardinger sa kanilang naibuslong 17 at 15, ayon sa pagkakasunod.

Dahil dito, naiwasan ng Ginebra ang maagang bakasyon at napahaba pa ang 37 na sunud-sunod pagpasok saquarterfinals ng liga.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“This is not what we’ve expected. We didn’t expect to be in this kind of game coming into this thing but you have a choice. You either go on or back off and our guys decided to keep going,” komento naman ni Ginebra coach Tim Cone.

Makakasagupa ng Ginebra ang TNT na bitbit ang twice-to-beat advantage dahil nangangunaito sa katatapos na elimination round.

Jonas Terrado