Ikinagulat ng netizens ang biglaang pagpanaw ng isang online sentations na si Namy Menang o mas nakilala bilang "uWu girl," ngayong Linggo, Setyembre 26.

Heart failure ang diumano ikinamatay ng 25 anyos na TikToker.

Higit na nakilala si Namy sa videos nitong habang sinasambit ang mga katagang "uWu" na may matinis na boses.

Sa kanyang TikTok video, inamin nitong may sakit siya sa puso. Inaakala pa nito na "world record" na ang kanyang kalagayan dahil siya lang diumano ang nabubuhay na mayroong apat na butas sa puso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isa pang TikTok video, sinabi nito na hindi pa siya naooperahan ni isang beses.

Ibinahagi rin nito ang kanyang medikasyong ginagawa. Ayon sa kanya, ay sumasailalim siya sa CBC o complete blood count.

Dagdag pa nito, depende sa resulta ng CBC ang nagiging remedya ng kanyang charity doctor. Tinitignan ng doctor ang hemoglobin nito. Kung mataas iyon ay binabawasan siya ng dugo na umaabot sa 250-500 cc.

Inaalalayan naman siya ng dextrose habang dumadaan sa medikasyon.

Simula apat na taong gulang pa lamang ay ginagamot na siya ng kanyang charity doctor.