Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila simula noong Biyernes, Setyembre 24 hanggang Setyembre 27.
Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa isasailalim sa pagsasaayos at pagkukumpuni sa EDSA Caloocan (Southbound) harapan ng Mariano St. (4th lane mula sa sidewalk); C-5 Road Northbound bago Mckinley; España Boulevard (buhat sa Extremadura St. hanggang M. Dela Fuente St.); at C.P Garcia Ave. bagi Maigting St. (2nd lane mula sa sidewalk) at bago Krus na Ligas (2nd lane magmula sa sidewalk).Ang lahat ng apektadong kalsada ay bubuksan sa trapiko sa Setyembre 27 bandang 5:00 ng madaling araw.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon.
Bella Gamotea