Gumugulong na ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pinagkukunan ng cocaine ng mag-partner na sinaJulian Ongpin at Breana"Bree" Jonson.
Nais na malaman ni Philippine National Police chief Guillermo Eleazar kung paano nakakuha si Ongpin ng cocaine matapos madiskubre ang 12.6 gramo nito sa inuupahan nilang silid sa isang resort sa San Juan, La Union, kamakailan.
Sinabi ng pulisya na non-bailable offense ang pag-iingat ng mahigit sa 10 gramo ng cocaine. Gayunman, iginiit ngLa Union Provincial Prosecutor’s Office na ang pag-aresto kay Ongpin ay hindi saklaw ng anumang panuntunan sa warrantless arrest.
Pinakawalan si Ongpin kasabay ng kautusan ng piskalya na magsagawa ng karagdagang imbestigasyon sa kaso.
“Bukod sa patuloy na imbestigasyon ng PNP at ng NBI sa pagkamatay ni Bree Jonson, inaalam din ng inyong PNP kung paano at saan nakuha ang cocaine na nakumpiska sa kanilanginookupahangkuwarto sa La Union," sabi pa ni Eleazar.
Nauna nang sinabi niJustice Secretary Menardo Guevarra na hahawakan nila ang kasong may kinalaman sa iligal na droga laban kay Ongpin.
Matatandaang sa paunang imbestigasyon ng pulisya, kapwa positibo sina Ongpin at Jonson sa paggamit ng cocaine.Aaron Recuenco