Nananatili pa ring problema ang pag-aalinlanganng karamihan na magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 o (COVID-19)
Ito ang pag-amin ng pamunuan ng NationalTask Force Against COVID-19 (NTF) kaya hanggang sa ngayon ayhindi pa rin naaabot ng kasalukuyang vaccine turnout ang target sana ng pamahalaan.
Paliwanag ng NTF, malaking dahilan sa usapin ang vaccine hesitancy o pangamba ng ilan sa posibleng epekto ng pagpapabakuna.
Sa huling datos ng NTF nitong Setyembre 24, mayroon nang 2,242,931 mga health workers ang fully vaccinated, 433,396 naman sa hanay ng senior citizen, 6,282,480 sa adults with comorbidities, 5,307,222 sa essential frontliners at 1,770,301 sa mga indigent.
“Despite opening the vaccination program to this priority group (A2) in April, the turnout has remained low compared to the NTF’s earlier projections,” ayon kay NTF chief Secretary Carlito Galvez Jr.
Kailangan pa rin aniya ng puspusang information drive upang maalis ang vaccine hesitancy mula sa ibang Pilipino na pinipiling hindi pa rin magpabakuna.
Beth Camia