Bumabagal na ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos na maitala na lamang sa 0.98 ang reproduction number nito, o ang bilang ng mga taong maaaring maihawa ng isang pasyenteng may virus.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na bumaba rin ang one week growth rate sa -13% na lamang.
“With today's number, the reproduction number in the country decreased to 0.98. The one week growth rate decreased to -13%,” tweet pa ni David nitong Sabado ng gabi.
Ang positivity rate sa bansa ay bumaba rin sa 25%, gayunman, malayo pa ito sa international standard na less than 5%.
Ang seven-day average naman ng mga bagong COVID-19 cases sa bansa ay bumaba rin sa 17,526 mula sa dating 20,218.
Mary Ann Santiago