Ayon kay Senator Richard Gordon nitong Linggo, Setyembre 26, hindi na makontak ng mga senador ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp na nagbulgar na binago ang expiration dates sa mga biniling COVID-19 supplies ng gobyerno.

Sa kanyang Twitter post, ibinunyag ni Gordon na hindi na umano makontak si Krizle Grace Mago matapos tumestigo sa Senate Blue Ribbon Committee nitong Biyernes at umamin na binago nito ang certification dates ng face shields kasunod ng utos ng Pharmally corporate treasurer at ni secretary Mohit Dargani.

Nag-alok ng proteksyon ang blue ribbon panel ngunit hindi ito halos tumugon dahil nais pa ito pag-isipan ni Mago bilang isang empleyado pa rin siya ng Pharnally.

“Pharmally Pharmaceutical official Krizle Mago hindi na ma-contact ng Senate Blue Ribbon Committee,” ani Gordon sa Twitter.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Noong ika-siyam na pagdinig ay inalok natin siya ng pagkakataon na mabigyan ng proteksyon ng Senado ngunit nais niya muna raw itong pag-isipan,” idinagdag ng senador.

Sinubukang hingin ng mga senador ang address at eksaktong lokasyon ni Mago para sa kanyang proteksyon ngunit tumanggi ito at sa halip ay babalikan na lang daw sila pagkatapos ng hearing.

Ika-8 ng umaga ngayong araw, muling kinontak ng komite si Mago para alamin ang kanyang lokasyon subalit hindi na ito maabot higit isang oras pagkatapos na unang tawagan.

Sa testimonya ni Mago, binago umano sa certificate ang taon sa face shields mula 2020 hanggang 2021. Ni-repack din umano nila ang face shields, na pinatunayan ng isa pang empleyado kung saan sinabing marumi at kulay yellow na raw ang mga suplay matapos mababad sa tubig-ulan.

Tinanggi rin ng Senate blue ribbon committee ang eksaktong lokasyon ni Linconn Ong na nauna nang na-cite in contempt at nakulong.

Iniatas ng komite ang paglipat kay Ong, direktor ng Pharmally, sa Pasay City Jail ngunit sa isang panayam nitong Sabado ng gabi, hindi binanggit ni Gordon ang kinaroroonan ni Ong para mapangalagaan ang seguridad nito.

Hannah Torregoza