BAGUIO CITY – Karamihan sa tinatamaan ng Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ay hindi bakunado.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 25 kaso ng Delta variant ang lungsod.

Ayon sa mathematical computation on vaccine effectiveness sa siyudad, lumilitaw na ang isang unvaccinated person ay mas malaki ang panganib na tamaan ng virus.

Gayunman, hindi sinasabi na ang isang bakunado na ay hindi na mahahawaanng virus omaka-develop ng sintomas.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

"Our vaccines are not perfect but they lessen the chances of developing severe symptoms, hospitalization and death.There will be breakthrough infections but what is important is that we will not be among those in the hospitals needing oxygen and ventilators to stay alive,” pahayag ng isang health official na naka-base sa Baguio.

Sa pahayag ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng City Health Services Office (CHSO), hindi alam ng isang hindi bakunadong individual na infected na mabilis itong makahawa ng virus sa mga hindi pa bakunadong tao at ang mga ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng outbreak sa mga unvaccinated.

Ayon sa CHSO, karamihan din sa mga pasyente sa ospital at isolation facilities ay mga individuals na hindi pa bakunado.

“Kailangan talaga natin mabakunahan ang mga vulnerable groups.Magtulungan tayo na mahimok sila, lalo na sa mga senior citizens na takot o’ ayaw ng bakuna, dahil sila ang mabilis kapitan ng virus.,” panawagan ng CESU.

Iniulat din na 97.326 percent o 364 katao na hindi bakunado ang namamatay dahil sa COVID samantalang 10 o 2.674 percent naman ang namatay na bakunado, mula nang magsimula ang vaccination noong Marso 2 hanggang Setyembre 15, 2021.

Mula Setyembre 1 hanggang 25, pumalo na sa 5,685 kaso ng COVID sa lungsod dulot na mabilis na pagkalat ng Delta variant at umakyat naman sa 113 ang namatay.

Babala ng CESU, asahan pa ang epekto ng Delta variant sa mga susunod na dalawang buwan bago malaman ang downtrend ng kaso.

Tiniyak naman ni Mayor Benjamin Magalong ang patuloy na paghihigpit at pinaigting din ang pagsunod sa public health standards sa posibilidad na maibaba ang kaso ng sakit sa lungsod sa lalong madaling panahon.

Matatandang nagbabala si Magalong kamakailan, katulad ng nangyayari sa ibang bansa, na ang siyudad ay tatamaan ng Delta variant at mararamdaman ito sa loob ng tatlong buwan.

Zaldy Comanda