Mga batang may edad 14 pababa ang mayroong pinakamataas na COVID-19 rate sa Ireland, ayon sa datos na inilabas ng Central Statistics Office (CSO) ng bansa nitong Biyernes.

Sa huling datos noong Setyembre 17, naitala ang 8,662 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Ireland, ipinakita rito ang 34 na porsyento ng mga batang may edad 14 pababa, ito ang pinakamataas na bilang sa lahat ng age groups.

Sa mga kasong naitala, 27 na porsyento ang edad 25 hanggang 44, kasunod nito ang 17 na porsyento para sa mga edad 45 hanggang 64, 15 na porsyento naman sa 15 hanggang 24, at pitong porsyento sa mga edad 65 pataas.

Sinimulan na rin ng Ireland ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga batang may edad na 12 hanggang 15 ngunit hindi pa ito nag-aanunsyo ng plano ng pagbabakuna para sa mga edad 12 pababa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Agence-France-Presse