Balak umanong ipamahagi bilang donasyon ng co-founder at Chief Executive Officer o CEO ng Canva na si Melanie Perkins at asawang Chief Operating Officer o COO na si Cliff Obrecht ang kanilang kayamanan sa mga charitable institutions at foundations, para sa mga isyu ng climate change at global wealth inequality. Kasama nila sa pagtataguyod ng Canva ang co-founder din na si Cameron Adams.

Cameron Adams, Cliff Obrecht, at Melanie Perkins (Larawan mula sa Canva)

Sa pagtatampok ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Melanie, sa gulang na 34 ay napabilang na siya sa sampung pinakamayayamang tao sa Australia, dahil sa kasikatan ng kanilang graphic design platform na Canva.

Human-Interest

Natagpuang crocodile fossil sa Peru, tinatayang nasa 10-12 million years old

Bagama't isinilang sa Australia dahil ang kaniyang ina ay Australian at Malaysian naman ang ama, may dugong Pinoy si Melanie dahil Pinay ang kaniyang paternal grandmother.

Si Melanie ay kasal kay Cliff noong 2021. Ayon sa ulat, simula pagkabata ay magkasama at magkaibigan na sila. Sa katunayan, sinuportahan ni Cliff ang unang negosyo ni Melanie na 'Fusion Books,' isang yearbook publisher. Sila ay may shared net worth of $6.18 billion

14 anyos pa lamang si Melanie ay marunong na siyang magnegosyo. Nagtitinda umano siya ng handmade scarves sa mga pamilihan sa Perth. Kagaya ng ibang mga pinakamayayamang tao sa daigdig, si Melanie ay tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo upang simulan ang pagnenegosyo.

Melanie Perkins (Larawan mula sa Canva)

Gaya ng ibang mga negosyante, halos 100 investors din ang hindi nagtiwala sa kaniya (na maaaring nagsisisi na umano ngayon). Hindi sumuko si Melanie hanggang sa maabot niya ang tugatog ng tagumpay.